Hindi kita maintindihan.
Sa dinami-dami ng pwede mong hingan ng tulong, bakit yung bansot at medyo malusog pa ang napili mo? Nasilaw ka lang ba sa bigote ko?
Di ko na mabilang kung ilang tubo na ang nilusutan ko. Kung ilang kabute na ang tinapakan ko. Kung ilang pagong na ang tinusta ko.
Lumaki. Lumiit. Lumipad. Lumangoy. Nahulog, napisak, nasunog, nakagat. Umakyat, bumaba, nagpabalik-balik, nagpaikot-ikot, nagpabara-bara, nagpauto-uto.
Sana huli na ‘tong ika-walong kastilyo na ‘to, kasi magang-maga na ang kamao ko. Patang-pata na ang hita ko. Sobrang lagkit na ng sapatos ko.
Pero di bale. Sanay naman ako sa kung anu-anong shit e.
Tubero ata ako.
Papercraft bison by by Jeremy Cool
Papercraft wolf by by Jeremy Cool
Pooping Dog Lamps by Whatshisname
finnzetta by Tobias Kwan
Queen Bubblegum by *Lelia